Tatay ni Bela isinugod sa ospital sa Thailand, humiling ng dasal

BELA PADILLA

Humiling si Bela Padilla sa madlang pipol na ipagdasal ang kanyang tatay na naka-confine ngayon dahil sa karamdaman nito.

Pupunta sa Thailand ang Kapamilya actress para personal na asikasuhin ang pagpapagamot ng ama
Sa kanyang Twitter account, nakiusap si Bela sa kanyang followers na mag-offer ng dasal para sa ikabubuti ng kondisyon ng kanyang tatay.

“My dad isn’t doing too well atm and is in a hospital in Thailand. I’m flying over to check on him and would love if you can all help me pray for him,” tweet ng dalaga.

Sa Thailand na naninirahan ang British father ni Bela na si Cornelio Sullivan.

Read more...