Boobs ni Gretchen Ho inokray ng basher: ‘Loud and proud my friend!’

GRETCHEN HO

SINUPALPAL ni Gretchen Ho ang isang netizen na nang-okray sa kanyang boobs.

Hindi pinalagpas ng TV host-athlete ang pambabastos sa kanya ng isang basher sa social media, talagang sinagot niya ito para ipaalam sa madlang pipol na hindi issue sa kanya ang laki o liit ng kanyang dibdib.

Tweet ni @gatekeeper1227, “Gretchen Ho wala ka pala boobs.” Na sinagot naman ng Umagang Kay Ganda segment host ng, “Loud and proud my friend.”

Dahil dito, kinuyog ng followers ni Gretchen ang netizen at pinagsabihan na itigil n nito ang panglalait at pambabastos sa mga kababaihan.

“Don’t mess with a lady like Gretchen Ho! Gurlll this is how you deal with bashers,” ayon sa isang netizen.

“Di bale ng walang boobs basta maraming natutulungang tao at nagiging inspirasyon para magpatuloy. Walang perpekto sa mundo,” sabi naman ng isa.

Hirit naman ng isa pang fan ni Gretchen, “Malaki nga boobs mo wala naman laman ang utak mo kundi ang kasamaan at kanegahan. Mas ok na na ang maliit na boobs basta mabuti ang kalooban. Saksak mo sa baga mo dibdib mo!”

Bago makilala bilang TV host, unang sumikat Gretchen bilang magaling na volleyball player ng Ateneo Lady Eagles.

Read more...