MATINDING takot ang naramdaman ng Kapuso TV host-actress na si Bea Binene matapos ma-experience ang 5.5 magnitude earthquake sa Occidental Mindoro kahapon.
Ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account ang naranasang lindol nang pauwi na sila sa Manila. Nagpunta sa San Jose, Mindoro ang dalaga para taping ng segment niya sa show ni Vicky Morales na Good News sa GMA News TV.
Narito ang mahabang IG post ni Bea, “This happened this morning when we were waiting for our @cebupacificair flight back to Manila from Occidental Mindoro.
“The aircraft landed at San Jose airport at 8:48am, and by 9:05 we all felt the 5.5 magnitude earthquake.
“Yung unang naramdaman namin was parang malakas na nagttakeoff na airplane, or parang malakas na nagbulldozer or jackhammer. Yung pangalawa naman, parang nasa bangka tapos malakas ang alon.
“Lumabas kaming lahat papuntang parking ng airport (sa parking kami nagpunta dahil kahit na nasa tapat lang namin ang runway, which is an open field, it’s still not safe to go there dahil may mga fuel trucks, may possible na magland na eroplano at may aircraft na nakapark na hindi imposibleng matumba pag lumindol ulit),” unang kuwento ng Kapuso star.
Pagpapatuloy pa niya, “Nakakatakot kasi malapit kami sa dagat and the epicenter of the earthquake was just one or two towns away from our location (+/- 6kms away, the locals said).
“May nakausap ako na ngayon lang daw sya nakaramdam ng ganun kalakas na lindol sa tagal na nyang naninirahan doon.
“Around 30 mins after, when the inspection of CAAP, PNP and fire dept were done, pinadirecho na agad nila kami ng aircraft to board.
“Sa lahat po ng nasa 5J514 at SJI airport kanina, I hope you are all safe.
“Gusto ko po magpasalamat sa mga staff ng San Jose airport sa pag assist sa lahat ng pasahero.”
Wala naman daw dapat ipag-alala ang kanyang fans and followers, “We are now safely back in Manila. Kakakita ko lang online na lumindol uli doon, kaya sa lahat po ng nasa Occidental Mindoro at kalapit probinsya, magiingat po kayo.
“Maging #IAmReady at magdasal po tayong lahat para sa kaligtasan ng buong bansa,” paalala pa ni Bea.