Kyline, Yasmien kinawawa ng bashers, tinawag na ‘jinx’ sa GMA

KYLINE ALCANTARA AT YASMIEN KURDI

Mukhang nasa losing streak ang GMA 7, the number two network in the country.

Dalawa sa mga shows nila ang nasa chopping board na – the one na pinagbibidahan ng starlet na si Kyline Alcantara and the other one with Yasmien Kurdi in the lead role.

‘Yung kay Kyline, three weeks na lang ang itatagal sa ere, ‘yung kay Yasmien naman ay mas kalunos-lunos ang sinapit. Ten weeks lang ito sa ere at hindi man lang tumagal ng one season of 13 weeks.

Ang kakulangan sa ad at ang napakababang rating nito ang nagpabagsak sa show. Hindi nito natalo ang

Nang Ngumiti Ang Langit ng Dos na hindi pa nagtatagal sa ere ay pinalamon na sila ng alikabok sa rating.

With this, may bagong jinx sa showbiz – sina Kyline at Yasmien.

Ang harsh nga ng comments ng netizens. Lait ang Kapuso stars pati na rin ang network.

“Hindi kinaya ng Binangaw na Bituin ang Powers ni Romina (Dimples Romana) at Dani Gurl.”

“Grabe no#1 pala ang GMA starlet. bat ganun KMJS lng mataas rating sa inyo. Halos lahat kasi ng big stars nasa ABS na.”

“Di bagay kay Kyline ang bida. sumikat lng sya dhil sa pagkokontrabida.”

“Kung katapat ang mga serye ng ABSCBN sa gabi ay wala na talo na. tinapatan nga nla nang mga ingkanto, mag kapatid sa bible, pati maliit na tao di umobra… ano pa ba itatapat nla?”

Read more...