Gerald hindi kayang iwan ang career para sa lovelife: Kailangan ko pa pong mag-ipon

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

ARE you willing to give up your career for your love life?

Iyan ang tanong kay Gerald Anderson na may kinalaman sa movie niya with Julia Barretto na “Between Maybes” which will open on May 15 sa mga sinehan.

“Hindi ba puwedeng pareho, pareho na nasa iyo? Parang mahirap? You can’t have it all. It depends. Sa sitwasyon ko ngayon, kailangan ko pang mag-ipon. Marami pang goals na gustong marating but darating ‘yon.

“Ako sa edad ko mas malapit ako doon, hindi katulad nu’ng seventeen ako, kung itanong mo sa ngayon na 25, sagot ko hindi pa, trabaho muna. Siyempre mas malapit na ako sa ganoong stage ng buhay ko pero marami pang kailangang gawin,” sagot ng actor na very much in love pa rin kay Bea Alonzo.

When asked kung nangyari sa kanya ang nangyari sa character ni Hazel (Julia) sa movie na isang celebrity na pumunta sa ibang bansa dahil nawalan ng control ang buhay niya, Gerald answered in the affirmative.

“Oo naman. May mga sitwasyon ako sa buhay ko. Alam n’yo naman ‘yun na parang medyo overwhelming, maraming nangyayari, parang sabay-sabay. Parang hindi mo na hawak ang outcome o ‘yung mga nangyayari. Today okay na tapos bukas may mangyayari uli.

“I think lahat naman tayo dumadaan doon sa overwhelming stage. Maganda na takas ka muna, recharge, re-energize and harapin mo muli,” he explained.

As to what lessons did he learn about this, he said, “I think just control what you can control. ‘Yung mga ibang bagay na kahit gusto mo talagang i-control or hawakan or baguhin, kailangan mong i-let go ‘yun.

“At the end of the day, kahit ano’ng mangyari, everything will work out. Everything will be okay. Ang pinakamahirap doon ay ‘yung hindi pa siya okay. You have to stay strong bago mangyari ‘yon.”

Nagkuwento si Gerald sa shooting experience niya sa Saga, Japan.

“Pinakamasarap ever na beef na natikman ko, Saga beef, sobrang lambot, sobrang sarap. ‘Yung mga Mini Stop, 7-11, mabubusog ka. Iyon lang ang kinain namin mga one week. Noong napanood ko ang pelikula, palobo ako nang palobo,” say pa niya.

Read more...