Kampo ni Korina ininggit si Kris: Wala siyang kasiping sa gabi

KORINA SANCHEZ AT KRIS AQUINO

Ay, iba rin talaga si ateng Korina Sanchez.

Sa mga pagkakataong nagbibigay ng kanyang saloobin si Kris Aquino about her and Mar Roxas, palaging matamis na ngiti lang ang kanyang isinasagot.

Ayon sa aming common friends sa latest hanash ni Kris, ni hindi man lang daw nagpakita ng interes ang pamosong broadcast journalist. What else is new nga naman?

Pero ang pinaka-nakakalokang reaksyon umano na nagawa ng misis ni Mar Roxas after na mabanggit ang hanash ni Kris, ay yung kargahin at pahagikhikin ni ateng Koring nang wagas ang kambal nilang sina Pepe at Pilar.

May isang common friend kaming nag-dialogue pa na kahit daan-daang milyon ay hindi matutumbasan at mabibili ang kaligayahan ng broadcast journalist.

Sey umano nito, “Lamunin niya ang 4.2 million followers niya. Amin na ang genuine happiness. Sino ba ang walang katabi sa pagtulog at yumayakap at humahalik paggising sa umaga? Ay, we’re talking of romantic engagement here ha, at hindi yung binabayaran lang!”

Ay, sobra siyahhhhh!!!! Ha-hahahaha!!!

Read more...