Ilang beauty queen nag-audition din sa ‘Darna’

NADINE LUSTRE

Sa gagawing open audition ng ABS-CBN at Star Cinema para sa pelikulang “Darna” tiyak na masusukat kung may hatak pa rin ang proyekto sa madlang pipol.

Ngayong May 4 and 5, bubuksan ng ABS-CBN ang audition para hanapin ang papalit kay Liza Soberano.

Although meron ng ilang Kapamilya artisrs ang naimbitahan para mag-audition, kasama na ang ilang personalidad mula sa mundo ng sports at ilang beauty queens, gusto pa ring lawakan ng network ang paghahanap.

We have been very vocal na pasadong-pasado si Nadine Lustre para mag-Darna pero tila may nais pang paingayin ang Star Cinema at ABS-CBN.

Narito nga ang requirements nila para sa mga aplikante: Dapat ikaw ay: 20 to 26 years old; at least 5’5″ in height; with acting experience; fluent in Tagalog; physically fit; at higit sa lahat dapat tunay na babae!
Kaya yung mga transgenders na nangangarap daw na lumunok sa bato ni Darna huwag na kayong mag-abala pa.

Inaambisyon ng bagong direktor nitong si Jerrold Tarog na maging kakaiba at very millennial ang bagong Darna at malayong-malayo sa nakilala nating Darna noon.

Read more...