Aldub fans nakiusap sa GMA: Alden-Maine uli sa Daddy’s Gurl para happy naman kami!

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

NANAWAGAN agad sa M-Zet TV, APT Entertainment at GMA Network ang AlDub Nation nang lumabas ang balitang hinahanapan ng bagong partner si Maine Mendoza para sa sitcom na Daddy’s Gurl.

“MZET (APT?) at GMA, wag na kayong lumayo sa paghahanap ng makakapareha ni Maine sa DG, try nyo ilagay si Alden (Richards), mas MARAMI kayong mapapasasaya, mabe bless po kyo ng bonggang bongga at nang may matupad naman kayo sa NAPAKARAMI nyong pangako na napako,” ang mensahr ni @ThinkingParrot.

Kahit gusto ng producers ng sitcom na kunin si Alden na maging bahagi ng programa, eh, dapat ding isaalang-alang ng fans na magkaiba ang management ng Dubsmash Queen at ng Pambansang Bae.

Just take a look at the positive side dahil pasasaan ba’t darating din ang panahon na matutuloy ang pagsasama ng inyong mga idolo sa isang proyekto, huh!

Tutal naman, may magandang nangyayari sa kani-kanilang career ngayong hindi sila magkasama sa proyekto. Sabi nga, patience is a virtue. I believe na darating at darating ang tamang panahon para sa isang bonggang reunion project ng AlDub loveteam.

Read more...