Ilusyunadang female celeb nabubuhay sa pantasya, aktor-politiko nabiktima

NANANAHIMIK na ang isang male personality na madalas kaladkarin sa kung anu-anong kuwento ng isang kilalang female personality.

Kahit sa kanyang linya ay nananatiling tahimik ang aktor-pulitiko.

‘Yun ang dahilan kung bakit maraming inis na inis sa babaeng personalidad na kapag umariba ang topak ay gustung-gustong binabanggit-banggit ang nananahimik na male personality.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka naman kasi ‘yung girl! Ni hindi nga inamin kahit minsan nu’ng lalaki ang sinasabi niyang naging relasyon nila, pero siya paniwalang-paniwala siya na nagkaroon sila ng something!

“Nakakahiya ‘yun, ha? Confirm nang confirm ang girl, pero ‘yung guy, iniwasan na lang siyang mapag-usapan dahil wala naman kasing dapat sabihin tungkol sa relasyon kuno nila.

“Ano ba naman ang babaeng ‘yun? Bakit kasi hindi na lang siya manahimik? Kung sinu-sinong tao ang binubulabog niya para lang magkaroon ng exposure!

“Nagiging sobrang trying hard na ang babaeng ‘yun! Siguro nga, ganyan talaga ang mga artistang walang pinagkakaabalahan sa buhay at career nila!” simulang chika ng aming impormante.

Sumusumpa ang malalapit sa male personality na wala talagang namagitan sa kanila ng pamosong female personality.

Panay-panay kuno ang imbitasyon sa kanya ng babae, kaya para magtigil na lang ang hitad, pinagbibigyan na lang siya ng male personality.

“Ikaw ba naman ang kulitin nang kulitin, di ba? Magkakape lang daw sila, meron lang daw silang pupuntahang exhibit, kung anu-ano ang iniimbentong lakad ng babaeng ‘yun para lang sila magkasama ng lalaking iniilusyon niyang makarelasyon!

“Itinatawa na nga lang nu’ng guy ang mga pinagsasasabi ng girl, ayaw na niyang magsalita, ayaw na lang niyang mag-comment, makapananakit kasi siya ng damdamin nu’ng babae.

“E, kaso lang, ‘yung girl ang ayaw tumigil! Marami siyang kuwentong siya lang naman ang nakakaalam, kasi, kapag tinanong mo ang lalaki, tawa lang ang isasagot niya dahil wala namang ganu’ng pangyayari sa kanila!

“Taga-Iloilo ang babaeng ‘yun! Ilusyunada! Hanggang ganyan na lang siya talaga, nabubuhay siya sa nakaraang wala namang katotohanan!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo ba kung sino ang ilusyunadang babaeng ito, kilala rin kaya siya nina Jon at Ching Bautista Silverio?

Read more...