Sharon balak bang agawin ang ‘Horror Queen’ title kay Kris?

SHARON CUNETA

Kinontra ni Sharon Cuneta ang mga nagsasabing pwede niyang maagaw kay Kris Aquino ang titulong Horror Queen dahil sa napakahusay niyang pagganap sa “Kuwaresma.”

“Alam n’yo, hindi, walang queen-queen. Lahat ng artista, may karapatang gumawa ng horror films. And we all know that the one who made so many was Kris Aquino, so walang agawan ng trono rito,” paliwanag ng Megastar.

Magkaibigan sila ni Kris kaya siguradong okay lang sa Social Media Queen na ipasa sa kanya ang Horror Queen title.

“Ay, walang ganu’n. Hindi, walang nagmamay-ari ng kahit na anong genre. Kapag artista ka, kakayanin mong lahat” sey ni Sharon.

Read more...