Hawkeye ng ‘Avengers: Endgame’ gustong bumalik sa Bora, Palawan

ROBERT DOWNEY JR. AT JEREMY RENNER

Love na love ng isa sa cast members ng ng “Avengers: Endgame” na si Jeremy Renner (gumaganap na Hawkeye) ang Pilipinas. “I love the Philippines,” aniya.

Kung magkakaroon ng chance, gusto raw niyang bumalik sa Palawan at sa Boracay para magbakasyon.

Kung matatandaan, napunta si Jeremy sa Manila, Bora at Palawan noong 2012 para sa shooting ng American film na “The Bourne Legacy.”

Sa panayam ng Fil-Am vlogger na si Wil Dasovich kay Jeremy sa Seoul, South Korea, tinanong siya ang Hollywood actor ng, “If you guys need a vacation from everything, what’s your…?” Na agad nitong sinagot ng “Palawan! Love it! And also Boracay.”

Sabay tanong ng “Did they fix Boracay up?” Sagot ni Wil, “Yeah, they fixed it up. It’s good.”

Read more...