SOSYAL at classy ang Dragon Lady lead star na si Janine Gutierrez. Isa siya sa mga matatawag na fashion icon ngayon sa local showbiz.
Pero alam n’yo ba na hindi lahat ng isinusuot ng dalaga ay mamahalin at branded? Yes, sabi nga sa fashion world, nasa nagdadala yan.
Alam kasi ni Janine kung paano mag-mix and match and how to get that chic classy OOTD pero affordable pa rin. At yan ang gustong ibahagi ng aktres sa mga budget-conscious millennials pero game na game rumampa in style.
Sa panayam ng GMA kay Janine, inisa-isa niya kung paano ma-achieve ang budget-friendly look. Unang-una raw, bago waldasin ang inyong sweldo sa pagsa-shopping, “raid your own closet”.
“Ang pinaka-tip ko diyan is manghiram ka, mag-shopping ka sa cabinet ng kapatid mo, cabinet ng nanay o tatay mo. Siyempre magpaalam ka muna pero ‘yun talaga ‘yung tip para hindi mo na kailangan gumastos at naka-recycle ka pa ng damit,” payo ng dalaga sa mga tulad niyang rampadora.
“Most probably wala ka pang makakaparehas lalo na kung medyo luma na ‘yung damit.
“’Yun ‘yung tip ko kung nangangati kang mag-shopping try mo muna tingnan ‘yung laman ng cabinet mo at kung ano pa ‘yung laman ng cabinet ng relatives or friends mo,” aniya pa.
Ibinalita rin niya ang pag-level up niya bilang vloger. Sinimulan niya ito dahil sa dami ng mga fans niya na nagtatanong about beauty and fashion.
“Yun talaga ‘yung reason kung bakit sinimulan ko ‘yun, kasi mas gusto kong makausap ‘yung mga fans ko. May mga nagtatanong din sa akin minsan online about makeup or mga random questions lang so naisip ko one way to share everything with them is through my YouTube channel.
“Masaya pala, dati nahihiya kasi ako pero na-realize kong dapat ‘wag ka masyadong mag-worry tungkol sa mga ganung bagay so sobrang saya and bilib ako sa mga totoong vloggers. Marami pa akong dapat matutunan, pero enjoy lang din,” pahayag pa ni Janine.
Sa Dragon Lady naipakikita ng aktres ang kanyang pagiging fashionista. Bawat episode talaga ay iba-iba ang kanyang look bilang si Scarlet kaya naman laging trending ang DL sa social media.