Bata utas sa silver cleaner

NASAWI ang pitong-taong-gulang na batang lalaki makaraang aksidenteng mainom ang silver cleaner na nakalagay sa bote ng softdrinks sa Makati, kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati si Rain Mendoza, ng Block 317, Lot 10, Mockingbird st., Bgy. Rizal.

Base sa ulat na nakarating kay Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, naganap ang insidente alas-10:45 ng umaga sa comfort room ng pamilya.

Ayon sa ina ng bata na si Jenifer Mendoza, 37, nakita niyang nangingisay ang bata kaya agad niya itong itinakbo sa ospital sa tulong sa kapitbahay na si Tikboy.

Habang itinatakbo sa ospital ay pinakain niya ng asukal ang anak.

Sinabi ng ina sa pulisya na inakalang softdrinks at di lason ang laman ng bote na nakalagay sa kanilang CR.

Read more...