Fake news ang lumabas na balita na binayaran umanon ng Juan Movement Party List si Alex Gonzaga ng P4 million para ikampanya sila.
Ayon kasi sa chika, tumanggap daw ang TV host-actress-vloger ng P4 million bilang endorser ng nasabing partylist na isa sa mga kumakanditato ngayong midterm elections sa kongreso.
Paglilinaw ng spokesperson ng Juan Movement na si Arnell Ignacio pati ng mga nominee nilang sina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado, walang katotohanan ang kumalat na tsismis.
Tulad ni Arnelli, gusto lang tulungan ni Alex ang grupo dahil naniniwala sila sa advocacy nito, ang i-promote at mas patatagin pa ang nationalism, patriotism at family values.
Anila, inalok nilang mag-member sa Juan Movement Partylist si Alex at ipinakilala rito ang mga advocacies nila.
Gusto raw nilang tutukan ang edukasyon dahil tinanggal ang History subject sa Junior High School at gusto nilang maibalik ito para hindi makalimutan ng bagong henerasyon ang ating pinagmulan at manatili ang pagmamahal sa bayan.
Nagustuhan ni Alex ang advocacies nila kaya nag-volunteer na itong tutulong at kumanta pa nga ng kanilang campaign jingle.
Sa pagharap nina Arnel sa ilang members ng entertainment media nangako silang tutulong na babaan ang bayad sa sinehan lalo na sa Tagalog movies para mas marami pang makapanood ng pelikulang Pinoy bilang tulong na rin sa movie industry.
Maging si Arnell ay agad naniwala sa advocacies ng grupo at aniya, mas gusto niyang sumuporta kesa maging nominee dahil nakakahiya naman daw na galing siya sa gobyerno (OWWA), tapos nag-resign para tumakbo bilang partylist representative?
Kaya naman nag-volunteer na lang siya para tulungan at ikampanya ang grupo.