Poe, Villar tabla sa Pulse Asia survey ngayong Abril

DALAWANG linggo bago ang eleksyon, tabla sa sa unang puwesto sa pagkasenador sina reelectionist Sen. Cynthia Villar at Sen. Grace Poe, batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia.

Si Villar ay nakakuha ng 51.7 porsyento samantalang si Poe ay 50.5 porsyento. Ang survey ay mayroong error of margin na 2.3 porsyento.

Pangatlo naman si dating Sen. Lito Lapid (45.7 porsyento) na sinundan nina House Deputy Speaker Pia Cayetano (43.9 porsyento), dating Special Assistant to the President Bong Go (40.8 porsyento), Sen. Sonny Angara (40.4 porsyento), dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. (38.1 porsyento).

Sumunod naman si dating PNP Chief Bato dela Rosa (36.7), Sen. Nancy Binay (36.2), Sen. Koko Pimentel (31.8), Ilocos Norte Rep. Imee Marcos (29.6), dating Sen. Jinggoy Estrada (28.8), Sen. Bam Aquino (28.8), at Sen. JV Ejercito (28.1).

Dating Sen. Serge Osmena (24.6), dating Sen. Mar Roxas (24.5), dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino (22.8), dating Sen. Juan Ponce Enrile (17.6), Freddie Aguilar (11.6), Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu (11.0), Bayan Muna chairman Neri Colmenares (10.9), Jiggy Manicad (10.6), Dr. Willie Ong (10.5).

Ang mga sumunod na kandidato ay nakakuha na ang single digit.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents at mayroong 95 porsyentong confidence level.

Read more...