‘Arthdal Chronicles’ ni Joong Ki mapapanood na sa Hunyo

SONG JOONG KI

KOREAN word of the week: “Apayo” – sa Ingles ito’y “I feel sick” at sa atin naman ay “Masama ang pakiramdam ko.”

Sa wakas makalipas ang mahigit tatlong taon, mapapanood na muli ang Korean superstar na si Song Joong Ki sa Korean series na Arthdal Chronicles.

Huling napanood si Joong Ki sa blockbuster series na Descendants of the Sun with his wife Song Hye Kyo.

Makakasama ni Joong Ki sa Arthdal Chronicles ang isa rin sa stars ng Descendants of the Sun na si Kim Ji Won at si Jang Dong Gun.

Isang fantasy drama ang Arthdal Chronicles tungkol sa mga bayani sa mythical city ng Arthdal, ang capital ng Gojoseon kingdom. Gaganap si Joong Ki bilang si Eun Seom na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang tribo.

Sa ilang litrato, makikita si Joong Ki kung na medyo mahaba ang kanyang buhok at nakasuot ng leather kasama ang kanyang kabayo.

Gaganap naman si Ji Won bilang Tan Ya at si Dong Gun naman bilang Ta Gon. Mapapanood na ang Arthdal Chronicles sa Hunyo.

Read more...