Umabot na sa 6-digits ang kinikita ni Alex Gonzaga sa pagba-vlog. Ibig sabihin, nasa milyon na ang nakubra ng TV host-comedienne sa mga viral videos niya sa YouTube.
Sa panayam kay Alex ng Inside the Cinema ni Boy Abunda, natanong kung magkano na ba ang kinikita niya sa YouTube bilang vlogger.
“Here in the Philippines, I get ‘yung percentage sa ads na pumapasok sa akin. It can range from, mostly nag-6 digits talaga siya,” ani Alex.
“Makikita mo kasi from the YouTubers na from small houses ngayon lumalaki na, from condo-apartment later on in life, lumalaki na. So depende ‘yun sa dami ng videos mo, sa dami ng views mo, so don pumapasok ‘yung pera sa’yo.
“So kapag marami kang videos, marami kang views, mas maraming pumapasok na ads sa’yo so mas marami kang pagpipilian na videos,” aniya pa.