Feeling ni Maymay Entrata napatawag siya sa guidance ng isang school at ipinatawag ng principal nang pumirma na sila ni Edward Barber ng kontrata sa ABS-CBN.
Magkahalo kasing kaba at ligaya ang naramdaman ng magka-loveteam nang sa unang pagkakataon ay papirmahin sila ng exclusive contract sa Kapamilya network kung saan nakaharap nila ang mga bossing ng istasyon.
Dalawang taong kontrata ang pinirmahan ng dating Pinoy Big Brother housemates sa ABS-CBN.
“First time po naming mag-contract signing. Ang saya! Sobrang kabado ako na parang nasa guidance councilor kami at ipinatawag kami ng principal.
“Ganu’n ‘yung kaba ko pero sobrang blessed ako dahil nga napasa na kami sa contract signing. Officially,” ani Maymay.
“It’s not just a piece of paper. It’s the next couple of years with ABS-CBN and I can say that it’s a decision that wasn’t necessary difficult not just for me, but for Maymay as well.
“Where else we will go? We are happy to be here and we are happy to be part of the family,” pahayag naman ni Edward.
Sa kanilang mga fans inihandog ng MayWard ang kanilang kontrata dahil kung wala raw ang mga ito ay wala rin sila sa kinalalagyan nila ngayon.
“Maraming, maraming salamat po sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ay wala kami kung ano ang mayroon kami ngayon.
“Hindi kami magkaka-contract signing kung hindi dahil sa inyo. Maraming salamat sa mainit na pagsuporta niyo. Mas pinili namin na mas galingan pa,” sey ni Maymay.
Regular nang mapapanood sa TV ang MayWard dahil sila ang bibida sa pinakabagong fantasy series ng ABS-CBN na Hiwaga ng Kambat.
Kasama rin si Maymay sa upcoming Star Cinema movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.