Si Anne Curtis ang kauna-unahang artistang babae na ginawaran ng FAMAS ng FPJ Memorial Award.
Ito’y para sa pagsabak ng TV host-actress sa action-packed film na “Buy Bust” kung saan pinuri ang kanyang galing sa pag-aaksyon.
“This goes to show that it is an amazing an exciting time in the industry where females can take on the part as string female leads of any film, any genre,” bahagi ng Instagram caption ni Anne sa kanyang litrato habang hawak ang tropeyo ng FAMAS.
Pinasalamatan ng aktres ang kanyang Viva family, ang directors at writers na naging bahagi ng kanyang 22 years sa showbiz, ang pamilya at asawang si Erwan Heussaff kahit hindi siya nakikita minsan ng isang buwan.
Higit sa lahat, “Thank you to Poe Family for allowing a female to receive this award this year. I truly appreciate it and I am very grateful. To God Be All the Glory.”