Abby, Junjun nagkainitan sa simbahan

NAGKAROON ng tensyon sa pagitan nina Makati Mayor Abby Binay at kuya niyang si dating Mayor Junjun Binay dahil sa palitan ng akusasyon ukol sa pagkamatay ng dating sekretarya ng huli.

Sa forum na ginanap sa San Ildefonso parish church ay nainis si Junjun sa sinabi ni Abby na dapat nang itigil ng mga kandidato ang pagkakalat ng kasinungalingan habang nangangampanya.

Giit ni Abby, ang kuya umano niya ang kanyang pinatutungkulan  at inihayag lamang niya ang kanyang saloobin.
Hirit ni Junjun, nagalit umano siya dahil sinigawan siya ng kapatid.

Kinalaunan ay humingi ng paumanhin ang alkalde sa PPCRV na nag-organisa ng forum.

Dismayado naman ang ama ng dalawa na si dating Vice Pres. Jojo Binay kaya kakausapin umano niya ang kanyang mga anak.

Matatandaan na pinatay kamakailan ang dating aide ni Junjun na si Monette Bernardo ng ri-ding in tandem sa Brgy. Olympia.

Read more...