Bawang gamot sa vaginal infection?

BAGO mo pa gamitan ng bawang ang private part mo to treat your yeast infection, mag-isip-isip ka muna. Better yet, basahin ito.

Payo ng gynecologist na si Dr. Jennifer Gunter, never naging gamot ang bawang sa vaginal infection.
Tsaka sa pagluluto ginagamit ang bawang hindi sa yeast infection.

Sa isang thread sa Twitter, sinabi ni Gunter na bad idea ang paggamit ng garlic sa paggamot ng yeast infection sa private part ng babae.

“Garlic contains allicin, in THE LAB it MAY have antifungal (i.e. anti yeast) properties. This is in a lab, not even in mice. Just a dish of cells. Your vagina is not a dish of cells,” ani Gunter.

“Lots of vaginal garlic aficionados (I SHOULDN’T HAVE TO TWEET THAT IN 2019, BUT HERE WE ARE) recommend inserting a clove. This means they don’t understand for allicin to be released the garlic has to be cut or crushed. Sigh.”

Posible rin umano na mayroong bacteria ang bawang mula sa lupa na magpapalala sa problema.

Ang paggamit din umano ng bawang sa vaginal yeast infection ay maaaring magdulot ng biofilms na magiging sanhi ng iba pang bacterial issue.

“Garlic can cause biofilms on braces, so could garlic contribute to biofilms in the vagina? Biologically plausible. Biofilms are bad. You do not want them to form especially when you have yeast. Effect of garlic good bacteria also unknown.”

And worse, maraming babae ang gumagamit ng bawang—50 to 70 percent—kahit hindi naman yeast infection ang problema nila.

Mahalaga umano na kumonsulta mula sa doktor bago maghanap ng gamot sa problema. Maraming Filipino pa rin ang nagsi-self medicate kaya mataas ang chance na mali ang kanilang inakalang sakit.

Read more...