Ejay na-inspire kay Matteo: Gusto ko ring maging sundalo

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustong maging sundalo ng Kapamilya hunk na si Ejay Falcon.

Talagang pangarap daw niya noon pa ang maging bahagi ng Philippine Army at makapagbigay ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng paglaban sa mga kaaway ng bansa.

Kuwento ng binata sa panayam ng ABS-CBN mas na-inspire pa siyang tuparin ang pangarap niyang maging sundalo nang dahil kay Matteo Guidicelli na kamakailan lang ay naging Army reservist.

“Actually nakita ko nga ‘yung kay Matteo, kinuha ko ‘yung link at sinend ko sa manager ko. Sabi ko, ‘Paano makakapasok sa ganito?’ And ita-try nila hanapin kung paano,” pahayag ni Ejay.

“Ako gusto ko talaga. Kasi ever since talaga, noong bata pa ako, kung hindi ako artista gusto ko maging Marine. Ganun talaga ‘yung gusto kong puntahan,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ng Kapamilya hunk, “Mas gusto ko talaga Army pero may mga tao siyempre sa likod na hindi ko alam kung papayagan ako. Kasi alam natin na mas delikado ang Army kasi inilalagay sila sa bundok, sa field. Iba ‘yung kalaban nila.”

Read more...