Kit Thompson walang arteng naghubo’t hubad sa Mea Culpa: Nag-plaster lang ako

PAGKALIPAS ng ilang taong pamamalagi sa New York City, USA kung saan nag-aral siya ng acting, ay bumalik na sa bansa (for good) ang aktor na si Kit Thompson.

Sa kanyang pagbabalik, isang malaking project agad ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang seryeng Sino Ang May Sala: Mea Culpa mula sa Dreamscape Entertainment.

Kaya naman ang tanong sa binata sa presscon at special screening ng serye kung ang ipinakita niyang acting dito ay produkto ng pinag-aralan niya sa New York acting school for Film and TV.

“Opo,” matipid na sagot ng aktor. Dagdag pa niya, “Gusto ko pong gumaling pa.”

At dahil nasa New York na si Kit ay hindi naman niya ikinaila na nag-apply siya sa Hollywood, “Nu’ng nandoon po ako, naka-focus po talaga ang mind ko na mag-aral lang. Since nag-graduate na ako ng high school kaya naisip ko pong mag-aral doon ng acting.

“Sa akin gusto ko pong mag-artista talaga, wala naman akong preference kung saan, puwedeng dito o doon (US), okay lang po ako.

“Nag-audition po ako ro’n at may agent ako. I’m applying for green card I hope I get it. Hopefully one day, maybe six months here, six months there (USA),” kuwento ng aktor.

Inamin din niyang nagkaroon siya ng mga commercial habang nasa NYC siya, “Mostly commercials palang kasi mahirap makapasok (movies and TV).”

At ngayong tapos na siya ng acting course ay tinanong namin kung itutuloy pa niya ang pangarap din niyang maging piloto, “Oo kaso, that’s another old different thing na. Siguro dati I was thing piloto or acting pero mas may weight sa akin ang acting. Pero someday why not, maybe in the future if I have enough money kasi mahal ding mag-aral ng piloto,” sagot ni Kit.

Samantala, iisa ang komento ng lahat sa ipinakitang acting ni Kit sa Sino Ang May Sala: Mea Culpa dahil effortless nga ang pag-arte niya at natural na natural.

Gagampanan ni Kit ang isang NBI agent na nagtapos ng abogasya kasama nina Bela Padilla, Ivana Alawi, Ketchup Eusebio, Sandino Martin at Tony Labrusca. Karelasyon niya sa kuwento si Ivana na may asawa na na ginagampanan ni Jay Manalo.

Maraming ginulat si Kit dahil may butt exposure siya sa serye habang nagse-sex sila ni Ivana sa Baguio pero kami ay hindi na dahil nauna na naming napanood ang pelikulang “Belle Douleur” na entry ng Quantum Films sa Cinemalaya 2019 na idinirek ni Atty. Joji Alonso. Bukod pa sa #Y na Cinemalaya entry din noong 2014 kung saan may eksena siyang nagma-masturbate.

Napangiti si Kit sa amin sabay sabing, “May tiwala naman po ako kay direk Dan (Villegas) saka the role requires it and it’s gonna make juicier story, with great characters and I’m willing to do it.”

Inamin ng binata na unang beses niyang napanood ang eksena nila ni Ivana na nagse-sex sa ginanap na advance screening ng Mea Culpa na mapapanood si-mula ngayong gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng The General’s Daughter.

At ang reaksyon ni Kit sa pagpapakita niya ng pwet, “As in nahihiya ako, tinakpan ko nga po ‘yung mukha ko kasi parang ayaw kong mapanood,” natawang sambit ng aktor.

Hirit namin, bakit pa siya mahihiya, eh, hubo’t hubad din siya sa eksena nila ni Mylene Dizon sa “Belle Douleur”, “Hubad-hubad din. Parang hindi naman po ako sanay. Pag pinapanood ko ‘yung sarili ko hindi ako sanay but I guess because it’s my job and I enjoy it, so it’s not really a problem for me.”

Sa magkakaibigang abogado sa kuwento ay si Kit ang pinakamalakas ang dating o agresibo dahil kung ano ang sa tingin niya ang tama ay siya niyang pinaglalaban.

Umaming may mga kinausap siyang abogado para sa karakter niya lalo na kapag court scenes na, “Paano sila nagsasalita, especially with the words (terms), ang hirap ng law words, the pronunciation, the attitude.”

Nang masolo namin ang aktor ay tinanong namin kung hubo’t hubad talaga siya sa mga intimate scenes

nila ni Ivana, “Just plaster lang, naka-plaster ako,” pag-amin ng binata.
Maraming nakapansing mahusay nang umarte si Kit kaya tinanong namin siya kung nag-e-expect siya ng acting award sa mga TV at movie project niya, “No!” mabilis nitong sagot. “Not expecting, I just want to work for it.”

Anyway, inamin ni Kit na may non-showbiz girlfriend siya at dalawang taon na sila ngayon. Wala siyang planong ipakilala ito sa publiko dahil gusto niya ng tahimik na relasyon. Pero sa kanyang Instagram account, makikita ang ilang litrato niya kasama ang nasabing girl pero hindi niya binabanggit ang pangalan.

Read more...