Iron Man, Hawkeye, Captain Marvel nag-thank you sa Pinoy fans ng ‘Avengers’

SOLDOUT pa rin hanggang ngayon ang mga ticket sa iMax at Director’s Club ng SM Cinemas para sa “Avengers: Endgame” at araw-araw ding puno ang mga regular theaters sa Metro Manila.

Kaya hindi imposible na umabot nga sa P1 billion mark ang kikitain nito sa ta-kilya o baka higit pa dahil wala pa itong isang linggo sa mga sinehan.

In fairness, talagang gumagastos ngayon ang mga Pinoy para lang mapanood ang huling installment ng “Avengers”. Pati nga ang mga sikat na celebrities ay nakikipagsabayan din sa panonood ng “AE”.

Nitong weekend, nagpahatid naman ng mensahe ng pasasalamat ang mga bida ng “Avengers: Endgame” sa madlang pipol dahil sa napakainit na suportang ibinigay ng mga Pinoy sa kanilang pelikula.

“To our fans in the Philippines who have been deemed the biggest fans in Southeast Asia, from the bottom of my arc reactor heart, thank you for the overwhelming love and support you’ve shown to the MCU [Marvel Cinematic Universe] over the past 10 years. We got you whatever it takes!” mensahe ni Robert Downey Jr. na gumaganap na Iron Man.

Sey naman ni Jeremy Renner, na gumaganap bilang si Hawkeye sa kanilang Pinoy fans, “You are the biggest fans. You guys rock. I’m so excited. I know you’re so excited. Let’s be excited together.”

Ito naman ang chika ni Brie Larson na gumanap na Captain Marvel sa movie, “Sending my photon blast-filled love to you and all as we journey into endgame.”

Mensahe naman ng mga direktor ma sina Anthony Russo at Joe Russon, “Fans of the MCU in the Philippines, we wanna thank you!”

Sa opening day pa lang ay kumita na ng mahigit P200 million ang “Avengers: Endgame” na sinasabing biggest opening ng isang Marvel film sa bansa, breaking the opening day record of 2018’s “Avengers: Infinity War.”

Read more...