Shaira Diaz bagong pampa-good vibes sa primetime TV


MASUWERTE ang young Kapuso actress na si Shaira Diaz sa newest project niya sa GMA.

Co-star lang naman siya ng veteran actor na si Gabby Concepcion at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa romantic-comedy series na Love You Two. Pero may “K” naman kasi talaga si Shaira na maging isa sa love interest ng karakter ni Gabo sa serye.

Sa last project niya sa Siyete na One Hugot Away, marami ang napahanga sa acting skills ni Shaira.

Bukod kasi sa natural chemistry nila ng kapareha niyang si David Licauco sa “Walang Label” episode ng nasabing digital short film series, napatunayan ng dalaga na may ibubuga siya sa pagpapakilig at drama.

Kabilib-bilib daw ang atake nito sa kanyang karakter. Hindi na nga kami nagtataka na u-mabot agad sa 1 million views ang online episode ng One Hugot Away ilang araw lamang mula nang ipalabas ito sa GMA Facebook account.

Ngayon ngang sa TV naman mapapanood si Shaira gabi-gabi, inaabangan na ng viewers ang pakikipagsabayan nito kay Gabo at Jen.

Read more...