BINALAAN ng GMA 7 ang mga Kapuso viewers laban sa mga sindikato sa social media at sa text scam na ginagamit ang Kapuso Network para makapanloko ng mga inosenteng tao.
“Paalala: Mag-ingat sa mga text scams na gumagamit ng pangalan ng GMA Network at GMA Kapuso Milyonation para mag-solicit ng pera.
“Inaabisuhan ng GMA Kapuso Milyonation ang mga nananalo via voice call at SMS gamit ang official numbers nito, at hindi nanghihingi ng pera o kahit anong kapalit para ma-claim ang prizes,” warning ng Kapuso station sa publiko.
Samantala, mahigit P10 milyong halaga ng papremyo ang ipamimigay ng GMA para sa 14th season ng nationwide proof-of-purchase promo nito na Kapuso Milyonation.
Sa loob ng 12 linggo ng Kapuso Milyonation, higit 1,600 participants ang mananalo ng weekly cash prizes at home appliances, kabilang na rin dito ang surprise winner ng P200,000.
Sa Grand Draw, lahat ng non-winning entries ay may pagkakataon namang manalo ng isang brand new house and lot at lima rin ang maswerteng mananalo ng P1 million each mula sa partner sponsors. Lahat ng premyo ay tax free!
Para sumali, ilakip lamang sa isang plain white envelope ang proof-of-purchase mula sa participating brands. Sa loob ng entry, isulat ang buong pa-ngalan, edad, address, contact details, at sariling pirma. Sa likod naman ng envelope, isulat ang “Kapuso Milyonation”, ang brand na nailakip, at ang region kung saan nakatira.
May karagdagang papremyo rin na maaaring mapanalunan kapag sinama ang detalye ng sari-sari store na pinagbilhan ng proof-of-purchase! Isulat lang ang pangalan at complete address ng valid sari-sari store pati ang contact number ng may-ari ng tindahan. Makatatanggap din ng special prizes ang mga sari-sari store owner kasama ng ma-nanalong participants.
Ihulog ang entry sa drop boxes na matatagpuan sa GMA stations, at piling Mercury Drug at Cebuana Lhuiller branches nationwide. Maaaring sumali hanggang July 12, 2019. Ang pangalan ng mga maswerteng mananalo ay ia-announce on-air sa Sunday PinaSaya at Wowowin sa GMA 7.