Clint Bondad minalas sa lovelife, sinuwerte sa career

Kung tapos na ang Halik, lalo namang nagbi-build up ang momentum ng nakatapat nitong Love You Two sa GMA.

Hindi kami magpo-focus sa mga bida nitong sina Gabby Concepcion (who’s still yummy as a glazed doughnut conside-ring na isa na siyang quinquagenarian) at Jennylyn Mercado (the hot mamma that she is), kundi kay Clint Bondad.

For a virtual greenhorn, Clint gets a B+ grade from us. Masuwerte si Clint dahil it wasn’t a hard uphill climb tungo sa kinalalagyan niya ngayon.

Talagang he has a lot to thank his ex-girlfriend Catriona Gray for. Kung hindi pa sila nag-break, Clint would have been relegated to obscurity.

Bilang baguhan, revelation si Clint sa acting department bukod sa kanyang drop-dead looks. He registers pretty well on screen.

‘Yun nga lang, totoong sa buhay ay maraming trade-offs.

Catriona gained a beauty title but she lost a boyfriend kung paanong Clint lost a girlfriend but gained a showbiz career.
q q q

Nakakatawa ang ipinost ni Chet Cuneta, kuya ni Sharon, a couple of days ago sa kanyang Facebook page.

With accompanying photos taken with the residents, inanunsiyo ng tumatakbong mayor sa Pasay City ang kanyang house-to-house campaign sa ilang barangay, ours included.

I-play back man namin ang aming alaala’y mga piling-pili lang ang mga bahay na pinuntahan ni Chet. Hindi lahat ng mga sinasabi niyang barangay ay matiyaga niyang sinuyod.

Kung dapat ay pinaiiral ang truth in advertising, there should also be truth in campaigning. Kampanya, ‘ika n’yo? Hayun, nagdaos ng caucus ang nasa tiket niya (hindi pa sila kumpletong dumating) sa kalye namin, ang inaasahan naming mahaba-habang talumpati niya para kumbinsihing iboto siya turned out to be just a personal appearance.

Read more...