UMABOT na sa critical level ang Angat Dam ngayong umaga.
Ayon sa Dam Water Level Update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ngayong umaga ay 179.97 metro ang lebel sa Angat dam. Ang critical level nito ay 180 metro.
Noong Sabado ng umaga 180.32 ang lebel ng tubig.
Ang Angat ang pinanggagalingan ng malaking bahagi ng tubig sa Metro Manila.
Nauna nang umabot sa critical level ang La Mesa Dam na nagsusuplay din ng tubig sa Metro Manila. Nagdulot ito ng kakulangan ng suplay ng tubig sa mga kustomer ng Manila Water.
Ang critical level sa La Mesa dDm ay 69 metro.
Nayong umaga ang tubig sa La Mesa Dam ay 68.45 metro.
MOST READ
LATEST STORIES