Inah ayaw pang magpakasal kay Jake: Trabaho muna, ipon muna | Bandera

Inah ayaw pang magpakasal kay Jake: Trabaho muna, ipon muna

Julie Bonifacio |April 28,2019
facebook
share this

Inah ayaw pang magpakasal kay Jake: Trabaho muna, ipon muna

Julie Bonifacio - April 28, 2019 - 12:45 AM

INAH DE BELEN

HINDI type ni Inah de Belen na maikumpara ang acting niya sa inang si Janice de Belen.

Hangga’t maaari gusto raw niya na magkaroon ng sariling istilo sa pag-arte. Kaya as much as possible ‘di siya humihingi ng advice kay Janice pagdating sa acting.

Ni-reveal ito ni Inah sa ginanap na blogcon ng horror film na “Maledicto” ng Fox Networks Group Philippines directed by Mark Meily.

This is her first horror film at bilang literal na “anak ni Janice” curious ang mga manunulat na malaman kung humingi siya ng pointers sa pag-arte sa isang horror film. Alam naman sa showbiz na nagmarka sa publiko ang mga ginawang horror/suspense movies ni Janice noon.

At sa dami ng ginawa ni Janice na horror films dati, inamin ni Inah na isa lang ang napanood niya. Hindi pa sure ni Inah kung ano ‘yung title ng horror movie ni Janice ang napanood niya.

By the way, going strong pa rin ang relasyon nila ng Kapuso star na si Jake Vargas. Magti-three years na rin pala sila, huh! Kaya ‘di kataka-taka kung matsismis na nagli-live in na sila ni Jake.

In fairness kay Inah, nasa tamang edad naman na siya to decide on her own lalo na sa lovelife niya. She’s already 27 na pala. Pero mukhang teenager lang si Inah. Sa tagal na nila ni Jake, in passing ay napag-usapan na raw nila ang tungkol sa kasal. And yet, they both agree na ‘di pa nila keri ang lumagay sa tahimik.

“Huwag muna. Trabaho muna. Ipon muna,” sunud-sunod na sabi ni Inah.

Hopefully, nakaipon na sila ni Jake para matupad na ang wish ni Inah na mag-settle down at the age of 28.

Anyway, showing na sa May 1 ang “Maledicto” na pinagbibidahan din nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending