Speaking of Ria Atayde, iba ang spark ng mga mata ng dalaga nu’ng makatsikahan namin siya sa thanksgiving nila ng kanyang ina na si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde. Napag-usapan naming that time ang youngest sibling nila na si Xavi na ayon kay Ria ay malaki ang hawig nilang dalawa.
May mga pictures pa na naka-save sa phone niya si Ria nu’ng bata pa siya at kinumpara sa larawan naman ni Xavi ngayon. Mabuti na lang at may naitabing baby pictures niya si Ria ng kanyang Mamita, ang ina ng daddy niya na si Art Atayde.
Say pa ni Ria, kapag nag-artista si Xavi pwede raw silang mag-portray na mag-ina sa TV or pelikula.
Parang ready na si Ria na gumanap ng mother roles, huh!
Pero syempre, bago ang mother roles for Ria, e, boyfriend muna dapat. If true na nanliligaw sa kanya si JM de Guzman, baka type niya na bigyan ng chance ang actor sa puso niya. Balitang balak nang karirin ni JM ang panliligaw sa dalaga.
We heard boto naman raw ang kanyang Mommy Sylvia Sanchez kay JM na kasama niya sa bagong serye nila sa Kapamilya network.