Mas payat at mas lean na Alden Richards ang sumalubong sa fans sa pagbabalik ng Kapuso actor sa bansa para sa grand opening ng kanyang sariling food chain sa Laguna.
Ayon sa netizens, bumagay kay Alden ang kanyang transformation at mas lalo pa ngang umangat ang kagwapuhan ng binata. Ibinahagi ng Pambansang Bae na talagang nagsikap siya upang ma-achieve ang kanyang desired weight. Nasa 18lbs na ang nabawas sa kanya.
“No rice, no carbs, no salt, no sweets, no fruits, no meat na pork and beef. Okay lang chicken breast, walang skin,” aniya.
Abala ngayon si Alden sa taping ng kanyang upcoming movie na “Hello, Love, Goodbye,” kung saan gumaganap siya bilang isang OFW sa Hong Kong.
Maghahatid din siya ng saya sa mga Kapuso abroad sa nalalapit na Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye in Brooklyn sa May 11 na gaganapin sa Kings Theatre, Brooklyn, New York.