Janine lumaban ng halikan kay Tom; bagong santa-santita sa Dragon Lady

TOM RODRIGUEZ AT JANINE GUTIERREZ

Patuloy na pinabibilib ni Janine Gutierrez ang Kapuso viewers dahil sa versarility na ipinakikita niya sa GMA Afternoon Prime series na Dragon Lady.

Kering-keri kasi ng dalaga ang magpaawa sa kanyang mga eksena and at the same time magpakamaldita sa mga kontrabida. Siya na nga raw ang bagong santa santita ng telebisyon dahil effective ang pagiging doble kara niya bilang si Scarlet.

Sa pagpapatuloy nga ng kuwento ng Dragon Lady, tuloy pa rin ang paghihiganti ni Scarlet sa lahat ng mga atraso sa kanya ni Vera (Maricar de Mesa) at ni Astrid (Joyce Ching). Gagawin niya ang lahat para mapatumba ang mga kalaban.

Samantala, hindi na rin niya mapigilan ang nararamdaman para kay Michael (Tom Rodriguez). Todo ang ginagawa niyang pag-iingat para hindi malaman ng binata kung sino talaga siya.

Sa katunayan sa episode na napanood namin last Friday, talagang lumaban ng halikan si Janine kay Tom, at in fairness, ilang segundo rin tumagal ang kissing scene nila, ha!

Siyempre, nang makita ni Goldwyn (Edgar Allan Guzman) ang halikan ng dalawa ay inatake siya ng matinding selos. Ano ang gagawin ni Goldwyn para maagaw si Scarlet kay Michael? Ito na kaya ang tamang panahon para ibuking niya ang tunay na pagkatao ni Dragon Lady?

Patuloy na subaybayan ang Dragon Lady tuwing hapon after Eat Bulaga sa GMA lang.

 

Read more...