Huling Finals slot pagtatalunan ng Rain or Shine at Magnolia


Laro Linggo (Abril 28)
(Mall of Asia Arena)
6:30 p.m. Rain or Shine vs Magnolia

PAGTATALUNAN ng Rain or Shine Elasto Painters at Magnolia Hotshots ang ikalawa at huling puwesto sa finals sa do-or-die Game 7 ng kanilang 2019 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals ngayong Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Magsasalpukan ang Elasto Painters at Hotshots dakong alas-6:30 ng gabi kung saan ang magwawagi ay makakasagupa ang nag-aabang na four-time defending champion San Miguel Beermen.

Nagawang makabawi ng Elasto Painters matapos nitong putulin ang dalawang sunod na pagkatalo sa kanilang semis series nang itala ang 91-81 pagwawagi kontra Hotshots sa Game 6 noong Biyernes ng gabi.

“It is just down to one game and we hope to continue our momentum with our big win in Game 6,” sabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia. “We know we are capable of exploding and that is what we will be giving out on this last but crucial game.”

Aasahan naman ni Garcia sina James Yap, Gabe Norwood, Beau Belga at Rey Nambatac para ihatid ang Rain or Shine sa all-Filipino conference finals.

Sa panig ni Magnolia coach Chito Victolero ay sasandigan niya sina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barroca at Jio Jalalon para maikasa ang Finals rematch kontra San Miguel Beer.

Read more...