Inamin ni Jo na medyo nanibago siya sa unang pelikula niyang “Lala en Kiko.” Iba rin daw pala ang sistema sa paggawa ng movie kesa sa teleserye.
This time, sasabak naman ang bulinggit na Kapuso actress sa comedy matapos magdrama sa Onanay. Bibida sa bagong pelikula ng GMA Films ang TV host-comedian na si Super Tekla with Kim Domingo.
“Yung interval po ng shooting namin, hindi sunud-sunod di gaya ng teleserye. Pati the way na tini-take namin ‘yung scenes, iba din.
“Pati ang kamera na ginagamit, iba rin at shots. Tinatanong kop o sila. Nag-a-adjust pa rin,” ani Jo.
Hindi sa Onanay nagtapos ang career niya. Malala lang ang naramdaman niyang sepanx (separation anxiety) nang matapos ang series.
Dahil sa Onanay, nakakapagbigay na si Jo para sa gastusin nila sa bahay at mas malaki na kumpara nu’ng pumapasok siya sa office.