Hiwalayang Ellen-John Lloyd fake news; nagpakaligaya sa Indonesia

ELLEN ADARNA ATJOHN LLOYD CRUZ

USAP-USAPAN sa social media ang tsismis na nagkakalabuan na raw ang magdyowang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

In-assume kasi ng ilang netizens na may away ang dalawa dahil nga sa mga naglabasang litrato sa social media ni John Lloyd ay palagi siyang mag-isa at nowhere to be found si Ellen tulad ng mga picture niya sa Lanao del Sur at sa Cagayan de Oro.

Bukod pa diyan, wala rin sa mga litrato ni Lloydie si Ellen na kuha sa pamamasyal niya kasama ang ilang non-showbiz friends sa isang adventure and nature park sa Bukidnon.

Mas lalong umingay ang isyu ng pagkakalabuan nina Lloydie at Ellen nang bumandera ang ilang photo ni Ellen sa Bali, Indonesia kasama ang anak na si Elias Modesto at ilang non-showbiz friends.

Pero agad ding nalinawan ang isyu nang mag-post ang ilang kaibigan ni Ellen ng mga litrato sa kanilang Instagram Stories kung saan makikitang kasama na nila si John Lloyd.

Kung titingnang mabuti, pareho ang itsura ni Lloydie sa mga litrato sa IG Stories at sa mga photos niya sa Lanao del Sur, CDO at Bukidnon na medyo mahaba ang kulot na buhok at balbas-sarado.

Hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung babalik na sa showbiz si John Lloyd pero may tsismis na nagparamdam na raw ang aktor sa ABS-CBN pero mukhang wala pang plano ang network para sa kanya.

Read more...