Actor-politician matrona source ng campaign funds | Bandera

Actor-politician matrona source ng campaign funds

Den Macaranas - April 26, 2019 - 12:15 AM

WALA pa ring kupas pagdating sa pagtarget sa mga matrona ang isang beteranong aktor na ngayon ay kandidato sa isang lalawigan sa darating na halalan.

Sinabi ng aking cricket na tulad ng dati, mga matronang mayayaman pa rin ang source of fund ni aktor.

Dahil matumal na ang paggawa ng mga pelikula at hindi na rin naman siya ganun kabata kaya nakaisip ng ibang diskarte ang ating bida.

Dati na rin siyang nahalal sa isang lokal na posisyon sa kanilang lala-wigan pero nang siya’y mag-ambisyon sa mas mataas na pwesto ay hindi na siya nagtagumpay.

Since then ay nagpalipat-lipat na siya sa kandungan ng mga mayayamang matrona sa kanilang lalawigan.

Hanggang sa muling may mag-alok sa kanya na bumalik sa pulitika pero pera naman ang naging problema.

Mayroon siyang savings pero hindi raw niya ito gagamitin sa pulitika.

Dahil kailangan ang malaking pondo kaya naman nagpasya siyang gamitin ang kanyang charm sa mga nakatatanda pero mayamamg negosyante sa kanilang lugar.

Nagawa pang ipagmalaki ng ating bida na sulit naman daw ang “tulong” sa kanya dahil tinutumbasan naman daw niya ito ng tender loving care (TLC).

Alam na rin ng kanyang mga kasamahan sa pulitika ang diskarte ni actor-politician pero hindi na raw nila ito pakikialaman.

Ang bida sa ating kwento na tirador ng mga mayayamang matrona ay si Mr. R…as in Roma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending