ANG Aksyon Line ay isang pitak na tumatalakay sa mga karapatan di lamang ng mga manggagawa, kundi higit sa lahat ng mga babaeng manggagawa.
Kaya nga nakakatawag sa ating pansin yung mga pangangampanya ng mga nagsisitakbong senador na sila raw ay nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.
At isa na nga na nakatawag pansin sa atin ay itong si Taguig Rep. Pia Cayetano na tumatakbong senador.
Binansagan ng netizens si Cayetano sa kanya mismong opisyal na Twitter account na @piacayetano bilang “fake feminist”.
Palabas kasi nitong si Pia ay tunay na advocate siya ng mga karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, pero natatameme naman at di makalaban kapag
inaatake na ang kanyang mga kabaro ni Pangulong Duterte.
Iwas na iwas si Pia na magkomento sa ilang kontrobersiyal na isyu at madali niyang sinosopla ang mga kumukuwestyon sa ginagawa niyang pagpapakilala bilang boses ng mga kababaihan.
Ilan sa mga malalaking women’s rights issues na hindi masagot-sagot ni Cayetano ng deretsahan ay ang tungkol sa pagtrato ni Pangulong Duterte sa mga kababaihan, partikular ang hindi mamatay-matay na isyu ng paghalik ng pangulo sa isang overseas Filipino worker (OFW) matapos ang kanyang pagbisita sa South Korea.
Ang laging sinasagot ni Cayetano ay hindi siya tagapagsalita ng pangulo.
Dati na kasing nagpapakilala si Pia na kampeon ng mga kababaihan, pero tikom ang bibig kapag hiningan na siya ng komento sa mga pag-atake sa mga kababaihan.
Sa kabila ng pagtiyak na patuloy niyang ipaglalaban ang mga kababaihan at bata, bigla na lamang nag-iiba ang mood ni Pia.
Kabilang sa mga netizens na tumawag kay Pia na “fake feminist” ay ang mga sumusunod:
“Okay na rin… sana sa totoong poll, tanggalin na si fake feminist @piacayetano and entitled SOB,” sabi ni @kehgandahan.
“Pia Cayetano? Seriously LB?!” ayon naman kay @jndnzl
“Pia Cayetano is a fake feminist,” dagdag ni @drtyfujoshi.
“Ugh i hate her. Walang dating and a fake feminist like Pia Cayetano,” komento naman ni @jillschills.
“@piacayetano prides herself as advocate for women’s rights, but she embraces a misoginist president who would get first in line to rape a missionary woman,” sabi ni @AkQuiambao.
“Kanino na naman na sinurvey yon… di ako makapaniwalang pangsampu lang si …hahahahahahaha at nandun pa sina Pia Cayetano (na fake feminist)…”sabi naman ni @heyclangg.
Sa panahon ngayon, dapat kilatisin ang mga nagpapanggap na feminist ngunit iba naman ang kanilang ginagawa.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.