Nakilala ang mga nasawi bilang sina Liberato “Levy” Laus, chairman at CEO ng Laus Group of Companies; bodyguard niyang si Wilfran Esteban; at pilotong si Capt. Everett Coronel.
Bumagsak ang helicopter (RPC-8098) sa isang palaisdaan sa Brgy. Anilao, dakong alas-12:30, sabi ni Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.
Agad nagtungo ang mga pulis sa crash site nang matunugan ang insidente, at natagpuan na “totally wrecked” ang helicopter, aniya.
Isinugod ang mga sakay ng helicopter sa pinakamalapit na pagamutan, ani Bersaluna.
Ang Laus Group, nakabase sa Pampanga, ay grupo ng mga kompanyang may pangunahing negosyo ng pagbebenta ng kotse aat may mahigit 55 na shop sa Metro Manila, Central Luzon, at Northern Luzon.
Nagbebenta rin ang kompanya ng mga trak at bus, at may negosyo ring trade-in ng mga sasakyan at auto financing.