Ayon sa aktres, hahayaan na lang niya na ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkasundu-sundo ang kanyang family pero sa ngayon okay na siya na nagkaayos na sila ni Gretchen.
“No, we don’t (pray for reconciliation). May mga pinagdaanan siya (Gretchen) na hindi ko pinagdaanan and I respect that. And she respects rin yung mga pinagdaanan ko. Solid kami sa part na yun. Baby steps, if it will happen it will happen like what happened sa amin. But it will take a miracle,” pagpapakatotoo ni Claudine.
Kuwento niya, hindi naman pinlano ang pagbabati nila ni Greta, nagkita lang daw sila sa isang hotel at hindi niya inaasahan magkukrus ang landas nila ng kanyang ate.
“I was taking my time. I thought that she’d leave na kasi maaga yun umuuwi. Late na ako bumaba andun siya… she waited for me. And then when we saw each other, no crying. We just hugged each other and then I’m sorry, I love you,” lahad ng estranged wife ni Raymart Santiago.
Naiintindihan na raw niya ngayon si Gretchen matapos silang mag-heart to heart talk, “Everything she says and does, it always comes from a good place. It’s always for my best interest and hindi ko nakita yun dati,” paliwanag ni Clau.
May promise rin daw silang dalawa para hindi na muling masira ang kanilang relasyon. Pangako nila sa isa’t isa, “From now on if we hear anything, let’s talk to each other first.”
Nagpapasalamat din si Clau dahil tinutulungan siya nina Gretchen at Tonyboy Cojuangco sa pagpapalaki sa kanyang mga anak ngayong single mom na siya, “She’s so in love with my kids. She’s helping raise my children and Dada (Tony) also. It’s nice kasi ngayon may tatay na yung mga anak ko and may mama din sila.”
Okay lang ba sa kanya na mag-guest sa seryeng Ang Probinsyano kahit na nandu’n si Raymart Santiago? “Nandu’n ba siya? Pag wala na siya. Saka yung suweldo ko basta mapunta sa akin.”
Pero payag ba siyang makatrabaho si Coco Martin sa Ang Probinsyano, tila pang-aasar na sagot ni Claudine kay Raymart, “Coco Martin. Clear yun, ha.”