Senior citizen: Nasimsim ko na si Wil, panalo na ‘ko!
Isang lola na naman ang pinaligaya ni Willie Revillame sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin sa GMA 7.
Tuwang-tuwa si Lola Mae nang mahalikan ang TV host-comedian at natupad na rin daw niya ang matagal na niyang pangarap na makita nang personal si Willie.
Sinamahan lang daw niya ang kanyang apo na maglaro sa Wowowin kaya feeling naka-jackpot na siya nang mahalikan at mayakap si Willie.
Si Lola Mae ang mag-isang nagtaguyod sa kanyang 11 na apo, kabilang na rito ang “Willie of Fortune” contestant na si Precious. Naging emosyonal muli si Willie nang malaman ang pinagdadaanan ng pamilya ni Precious pero bigla siyang natawa nang makilala na ang lola nito.
Sabi ni Lola Mae, “Hello Wil! Wil, senior citizen na ako ngayon. Ang tagal kong inaasam-asam, matagal na akong may pagnanasa sa iyo. Ngayon ang pagkakataon, Wil, maakap ka man lang. Wil, paakap naman.
“Yes, nasimsim ko na. Naamoy-amoy ko na. Panalo na ako!” ang sigaw pa ng lola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.