Dani Barretto mamalasin daw dahil sa pangdededma sa ama
WALA si Kier Legaspi sa wedding ng kanyang anak na si Dani Barretto kay Xavi Panlilio.
May mga netizens na na-hurt dahil dito. Hindi nila maintindihan kung bakit hindi invited ang ama ni Dani sa kasal nito.
“Nasasaktan ako para sa kanyang amang si Kier, d ako bitter ah pero sana man lang naisip nya kahit papano wala sya dito sa mundo kung wala ang kanyang ama kahit hindi eto nagpaka tatay sa kanya or what sana nagpakumbaba nlng sya kasi anak sya.
“Kahit mommy lang nya ang nagpalaki sa kanya dapat inisip nya rin na d sya mabu-buo bilang sya kung wala ang kanyang ama. Nag reach out naman yung ama nya sa social media pero ang taas pa rin ng pride,” one fan said.
“Well ganun talaga pero magulang is magulang kahit baliktarin mo ang mundo. Si Kier Legaspi pa rin ang iyong AMA! Baka malasin ka dahil sa ginawa mo sa kanya,” said another fan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.