MARAMING nagmamahal kay Coco Martin. Milyon ang umiidolo kay Ricardo Dalisay ng Ang Probinsyano. Pero hindi lahat ay sumasang-ayon sa pagiging pikon niya pagdagting na sa kanyang personal na buhay.
Kalat na ang kuwento tungkol sa pagsisilang ni Julia Montes. Hindi puwedeng itago ang panganganak ng isang public figure na tulad ng dalaga.
Pero hanggang ngayon ay walang naririnig na anumang komento ang mga kababayan natin mula kay Coco Martin na itinuturong ama ng isinilang ni Julia.
Sabi ni prop, “Du’n naman ako hindi agree, napakadali namang sabihing oo, ako nga ang father ng bata, may problema ba? Pero parang napikon si Coco, kung anu-anong comment ang ipino-post niya.
“Sana lang, e, hindi na niya ginawa ang ganu’n. Sa personal opinion ko, e, nakabawas ‘yun sa ipino-project niyang image ng isang action star.
“Ang ganda-ganda ng kartada niya, e! Tahimik, hindi pumapatol sa mga bashers, ganu’n ang tingin sa kanya ng publiko. Basta, pakikipagbakbakan lang ang ginagawa niya, ganu’n!” opinyon ng kaibigan naming propesor.
Pero may punto naman si Coco Martin, tao lang din siyang napupuno paminsan-minsan, kailangan niyang maglabas ng sama ng loob kesa sa siya pa ang magkasakit sa pagiging malihim sa kanyang emosyon.