NAPAKALAKI na ng ipinayat ni Megastar Sharon Cuneta.
Humarap sa entertainment media si Shawie kamakalawa para sa presscon ng kanyang latest project, ang horror-suspense na “Kuwaresma” under Reality Entertainment at Globe Studios.
At dito nga inirampa ni Mega ang kanyang kapayatan, “I lost weight after shooting pa (ng Kuwaresma), tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore.”
Aniya, may mga araw na talagang nakakalimutan niyang kumain, “Natatawa yung yaya ko kasi, ‘Yaya, I’m busog na.’ Pagdating niya, ‘Ma’am, di n’yo ginalaw yung pagkain, inurong-urong n’yo lang.’ ‘Hindi naman, nag-bite naman ako dalawa-tatlo.’”
Hindi rin daw siyang sinusunod na diet ngayon, basta nawala na lang ang gana niya sa pagkain, “I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang magsuot ng damit na… ganu’n.
“It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain. Tapos after the movie, dire-diretso,” chika pa ng Megastar.
Inamin naman ng direktor ng “Kuwaresma” na si Erik Matti na namroblema sila sa biglang pagpayat ni Sharon dahil sa continuity ng pelikula.
“For a time, nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, syinut na naming ‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.
“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makakalusot ba ‘to na kanina lang, iba yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut,” ani Direk.
Samantala, bata pa lang ay super fan na si Sharon ng mga horror movies, mapa-local man o foreign kaya nan i-offer sa kanya ang “Kuwaresma” ay tinanggap niya agad.
Aniya, ang “Kuwaresma” ang isa sa most physically, mentally and emotionally draining movie na ginawa niya, “But I am very proud of this movie! I’m very proud of all of our performances. And modesty aside, it really squeezed me.
“Everything I had, I think, I already put in this movie. I hope na huwag po ninyong palagpasin ito lalo na yung mga horror fans like me, kahit hindi ho, kasi kahit hindi kayo horror fans, it really is a horror movie, but it has a heart.
“Hindi naman ako maiiyak sa takot lang, e. Maiiyak ka dahil may puso yung movie. May pupuntahan. So it’s on the secrets of this family na, in the end, kailangang lumabas, hindi puwedeng hindi.
“And yung bahay kasi, meron siyang sarili niyang history, na nagsimula pa noong panahon ng mga Hapon, World War II, or before that pa. Doon iyong start ng misteryo. And our family comes in without knowing the history of the house,” sey pa ni Mega.
Hirit pa ni Sharon, “I am so proud of this movie that I am at the point of being confident that we can really deliver a good movie, and a movie that will be worth your hard-earned money. I hope that you give this movie a chance. It’s beautiful.”
Showing na ang “Kuwaresma” sa May 15. Makakasama rin sa movie ang award-winning actor na si John Arcilla, ang nagbabalik-showbiz na si Guila Alvares, at ang magkapatid na Pam at Kent Gonzales na bagong disovery ni Direk Erik Matti.