Kris bawal mag-endorso ng mga kandidato, milyon ang babayaran kapag lumabag daw sa kontrata

TIMI AQUINO AT KRIS AQUINO

HUMARAP sa mga miyembro ng entertainment media at ilang news reporters ang maybahay ni Sen. Bam Aquino na si Timi Gomez-Aquino. Ang pinsan ni Bam na si Kris Aquino ang nag-host ng nasabing presscon.

Pero ipinaliwanag ni Kris na bago niya suportahan ang pinsan niya ay inaral muna ito ng mga abogado niya dahil nasa kontrata niya bilang endorser ng maraming produkto na bawal siyang mag-endorso ng kandidato.

Lahad ni Kris, “I’m obeying several contracts that say ‘bawal.’ So, as you can see, this is lawyers’ check for me kung ano’ng puwede kong gawin, so this is the closest that I could come. And as you can also see, si Timi ang katabi ko, hindi ‘yung kandidato.”

Dagdag pa niya, “Inaral ng mga lawyers ko ang puwede kong magawa para makatulong sa kanila without me violating my contracts dahil ayokong isoli ‘yung pera nila, eh, sorry, dahil sayang naman, nabayaran ko na ‘yung tax para do’n.

“Ginawan namin ng paraan to the best of my ability and I also asked Timi when all this was being planned, I said, ‘do you want me there?’ because alam naman natin na I’m vocal, ‘di ba? So, this is a double-edged sword for them at ina-acknowledge ko ‘yun,” sey pa ni Kris.

Base naman sa kuwento ni Timi nu’ng binanggit sa kanya ni Kris na magkakaroon ng ganitong tsikahan ay abut-abot ang pasasalamat niya. Hanggang sa nagbalik-tanaw ang dalawa kung paano sila nagkakilala at naging close.

“Sobra akong kinilig nu’ng sinabi niya do’n sa Instagram na ako raw ang favorite cousin-in-law niya. Sabi ko, ‘oh my God, eto na!’ Parang I have arrived, ‘di ba?” saad ni Timi.

Samantala, tinanong namin pagkatapos ng presscon kung paano nagkakilala sina Bam at Timi at napangiting kuwento ni Kris na pareho silang na-love at first sight sa isa’t isa.

Isa raw sa delegado sa exchange program ng National Youth Commission noong 2014 si Timi na si Bam ang chairman, “Dahil chairman po siya hindi niya ako pupuwedeng ligawan, so he waited one year po nu’ng naging alumni na ako sa program,” panimula ni Timi.

At ang nagustuhan niya sa asawa, “Definitely ang lakas po kasi ng dating ni Bam, he’s so tall, ang puti-puti, very articulate so definitely nandoon ‘yung attraction pero hindi nga po tama kasi nga chairman siya, participant ako.

“Kahit na marami siyang dahilan na maging mayabang kasi nga summa cum laude siya, Aquino siya, ang tangkad niya, ang puti niya pero parang wala ‘yun sa kanya, sobra siyang down to earth.

“Parang hindi niya nare-realize na may ganu’n side siya. At talagang buong buhay niya inuuna niya talaga ang charity works, ‘yung gobyerno, alam mo ‘yung kasama mo na tigasin siya pero siya hindi niya alam.

So para sa akin very attractive ‘yun,” pag-alaala pa ni Timi noong nililigawan pa lang siya ni Bam.

Isang taon daw ang nakalipas bago sila nag-date, “Alam mo dahil matagal kaming naghintay, nine dates straight, December 8, 2005 tuluy-tuloy po ‘yun for nine days so parang Christmas novena na hindi mo maintindihan.”

Sinubok din ng panahon ang relasyon nina Timi at Bam dahil sa pitong taon ay one year silang LDR (long distance relationship) dahil na-assign sa Shanghai, China ang una ng kumpanyang pinaglilingkuran niya.

Hirit ni Kris, “She (Timi) left (trabaho) it in the name of love, I wanna know in her, anong meron si Bam? There’s something that you really want to give your all?”

Binanggit din ni Timi na hindi siya nagsisi na nag-resign siya sa trabaho niya, “Sulit po ‘yung pag-iwan ko sa career ko, parang itong relationship ni Bam with the voters is more than just a professional relationship, eh. It’s more than magiging matino siyang public servant o pagkatao niya as a husband, as a father is part of the package and Filipinos has the right to get to know him that way and siguro ‘yun na ‘yung pinaka-role ko sa lahat kaya nagpapasalamat ako kay ate Kris.

“Sa totoo lang ate Kris maliit na bagay lang naman to put may career on hold, but si ate Kris I guess she’s a working mom, dahil siya rin minor palang nagtatrabaho na kaya alam niya rin ‘yung relevance at significance ng maayos na trabaho. Nagpapasalamat ako na may chance ako to come up here and to tell you all.

“Marami akong answers why Bam, madali siyang mahalin at madaling mag-sacrifice para sa kanya kasi sobra siyang secured sa pagkalalaki niya,” sabi ni Timi.

Read more...