SA kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala ni Jodi Sta. Maria sa publiko ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng social media.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapamilya actress ng lirato nila ng kanyang pamilya na kuha sa isang lugar na pinuntahan nila sa Thailand last Holy Week, kabilang na ang kanyang inang si Mommy Ditas, stepfather na si Boyet, kapatid na si Carlo with his wife Lally. Pero kapansin-pansin na wala sa photo ang anak ni Jodi na si Thirdy.
Ito ang madamdaming caption ng aktres sa kanyang IG post na pinusuan ng kanyang followers, “Most of my posts have always been about travel, work and school. But today, I want to do an appreciation post for the most important people in my life: my family.
“I am truly blessed to have a family which I have. You have never stopped loving me even when I can get difficult, you never ceased to guide me even when you know sometimes (o sige na nga most of the time) I want to have it my way.
“I just want to say THANK YOU for doing what you do even if it means it will cause you discomfort. And I’m SORRY if I have not been appreciative enough for all your efforts. I love you all so much. Life is best when I have you guys around.”
q q q
Speaking of Jodi, magsisimula na sa Lunes ang bago niyang Kapamilya primetime crime-drama series na Sino Ang Maysala?: Mea Culpa. Napanood na namin ang pilot episode nito sa ginanap na press preview last Monday na talagang nakakabitin.
Matutunghayan sa Mea Culpa ang pagbabalik-primetime ng award-winning actress na si Jodi bilang si Fina, isang simpleng magsasakang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at buong tapang na hahanapin ang nawawala niyang anak.
Makakabangga naman niya si Bella Padilla, na gaganap bilang isang abogado, kasama sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi at Ketchup Eusebio.
Magsisimula ang bangungot sa kanilang mga buhay nang mag-road trip ang magkakaibigang sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana), at Bogs (Ketchup) sa Baguio upang i-celebrate ang pagpasa nila sa bar.
Mauuwi ang okasyon sa isang aksidente at krimen na magdudulot sa pagkakalayo ni Fina mula sa kanyang bagong silang na anak. Ngunit dala ng konsensya, magkakasundo ang magkakaibigan na kupkupin ang bata na siya namang aalagaan at kukupkupin ni Juris.
Susubuking itago ng barkada ang madilim na lihim ng kanilang nakaraan, hanggang sa madiskubre ang isang bangkay sa Baguio na ilang taon nang naaagnas.
Dahil sa balita, iigting ang paniniwala ni Fina na buhay pa ang kanyang anak at sisimulan ang paghahanap dito. Lalo pang iinit ang kaso dahil sa paniniwala ni Fina na ang nawalay niyang anak ay nasa poder ni Juris. Kaya kaabang-abang ang banggaan nina Jodi at Bela sa Mea Culpa! Acting showdown na maman ito!
Kasama rin sa cast ng Sino Ang Maysala?: Mea Culpa sina Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Munji-Laurel, Jay Manalo, Allan Paule at Boboy Garovillo, under Dreamscape Entertainment at idinirek nina Andoy Ranay at Dan Villegas.