Young actress ‘nilayasan’ ang inang adik sa branded bag; nag-away dahil sa pera

ISANG source na hindi nanununog at nangunguryente ang nag-chika na hindi kagandahan ang relasyon ngayon ng isang magandang young actress at ng kanyang ina.

Maraming beses na silang nagkakaroon ng pagtatalo, lumalim ang kanilang argumento nu’ng minsan, kaya para makaiwas ang young actress ay nagpalipas siya ng sama ng loob sa isang bansang malapit lang sa Pilipinas.

Kuwento ng aming source, “Instead nga namang lumaki pa ang gap nila, e, ang girl na ang umiwas!

Kasama ang ilang friends niya, e, umalis siya nang biglaan, nagpalipas siya nang ilang araw abroad, para lang maiwasan niya ang mas matinding away nilang mag-ina,” sabi ng aming impormante.

Maraming dahilan ang kanilang pagtatalo pero ayon sa source ay pera ang pinakaugat ng lahat ng kanilang hindi pagkakaintindihan.

“May sariling pera na kasi ang girl, siya na ngayon ang humahawak ng pera niya, unlike nu’n na ang mommy niya ang mayhawak. Marami na kasi siyang napapansin.

“Meron siyang ipinagagawang project, perang pinaghihirapan niya ang ginagastos niya du’n, pero feeling niya, e, may ginagawang kakaiba ang mommy niya.

“Nagugulat na lang siya, may bagong branded bag ang mommy niya, samantalang wala namang work, natural, nagtatanong siya at nagtataka.

“Nu’ng minsang pansinin niya ang branded stuff ng mommy niya, e, nag-deny pa sa kanya. Dati na raw ‘yun pero hindi lang niya masyadong nagagamit. Natural, hindi naniwala ang girl, kilala niya kasi ang kartada ng mommy niya, ipinagbabanduhan ang kagamitan niya basta bago.

“Mula nu’n, ang young actress na mismo ang namahala sa ipinagagawa niyang project, hindi na niya pinadadaan pa sa mommy niya, siya na ang kumakausap sa architect niya.

“Nalugi na si mommy, wala na siyang mapagkukunan ng pambili ng mga granatsa niya. Dati kasing may pambili ang mommy niya, pero nu’ng wala nang raket ang actress din niyang nanay, waley na!” napapailing na kuwento ng aming source.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon (belated happy birthday) at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang mga bumibida sa kuwentong ito.

Read more...