#WalangPaki: Gabby dedma lang sa kasong isinampa ng kapatid

GABBY AT KC CONCEPCION

 

PERSONAL naming na-meet ang nakababatang kapatid ni Gabby Concepcion na si Mike Concepcion sa birthday celebration ng TV-radio host at manunulat na si Jobert Sucaldito sa Mankind Entertainment Bar sa Timog, Quezon City.

Pinasalamatan niya kami sa sinulat namin tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Gabby when he guested sa “Mismo” radio program ni Kuya Jobs sa DZMM. Pagdating pa lang ni Mike sa party, sinundan na siya ng TV crew na nag-cover sa birthday celebration ni Kuya Jobert. Kontrobersyal na rin kasi si Mike, e.

Mukhang lumalaki na talaga nang lumaki ang usapin sa pamilya Concepcion. Pero si Gabby, mukhang naka-zipper pa rin ang bibig at ‘di nagbibigay ng reaksyon regarding the case against him ni Mike. Wonder what would be the reaction of Gabby’s celebrity daughters gaya nina KC and Garie Concepcion?

Kalurky, lagi na lang hinahabol ng demanda ang tatay nila, huh!

Incidentally, nasa birthday party din ni Kuya Jobert ang isa sa mga “ex” ni Gabby at ina ni Garie na si Grace Ibuna. Napaka-sexy ni Grace na naka-plunging neckline and light blue-ruffled blouse that night.

Mukhang in-love ulit ang ina ni Garie.

Based sa kanyang Instagram account, nasa Amerika si KC at the moment. Doon din nag-celebrate ng kanyang 34th birthday si KC kasama ang boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart.

Kinilig ang ilang Sharon-Gabby fans nu’ng batiin ni Gabby si KC sa comment section ng kanyang IG account. Mensahe ni Gabby sa IG post ni KC with picture of her nu’ng toddler pa lang siya, “HAPPY BIRTHDAY, my baby!”

Say ng isang fan, finally ang nagparamdam na si Gabby kay KC. Okey na rin daw ‘yung maigsing greeting ni Gabby kay KC, kesa wala.

Anyway, kitang-kita ang happiness sa mga mata ni Kuya Jobert during his birthday party. Kakaibang treat din ang ibinigay sa kanyang mga guest sa Mankind na pag-aari ni Dr. Percival de Leon.

Nag-perform ang mabait at talented artist ni Kuya Jobert na si Kiel Alo. Umakyat din sa stage at kumanta sina Malu Barry, Gen. Benjie Belamino, Ynez Veneracion ka-duet si Joel Olivera at ang kyut na si Macoy Mendoza.

Sobrang na-surprise naman si Kuya Jobert sa “panggagaya” sa kanya ni Dr. Percival. Kuhang-kuha niya ang hitsura at opening spiels ni Kuya Jobert sa kanyang radio show. At tinawag pa niya na “flawless” version niya si Dok.

Siyempre, ‘di siya kinalimutan ng isa sa original babies niya na si Patrick Garcia kasama ang misis na si Nikka, ang dating artista na si Daisy Romualdez, Rene Villanueva ng Guiguinto, Bulacan, Ahwel Paz, Ambet Nabus at marami pang iba.

Read more...