Nag-volunteer si Ice Seguerra na gumanap sa isang pelikulang kasali sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino film festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
And mind you, mas gusto niya na mapasama sa “Cuddle Weather” movie entry na tungkol sa dalawang sex workers instead sa may pagka-musical na “LSS (Last Song Syndrome) na pinagbibidahan ng real-life partners na sina Khalil Ramos at Gabby Garcia together with Tuesday Vargas, Elijah Canlas at ang indie folk-pop band na Ben&Ben.
Mukha namang walang restriction si FDCP Chair Liza Diño na dyowa ni Ice. Kaya lang siyempre, baka mapulaan pa ng iba, better na rin na ‘di kasama sa alinmang entry sa PPP si Ice.
Bukod sa “LSS” at “Cuddle Weather,” ang pangatlong pelikula na maagang nakapasok na finalists sa PPP ay ang “The Panti Sisters” nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.
Last year, agaw-pansin ang naganap na pagbabati nina Direk Jun Lana, direktor ng “Die Beautiful” at Christian sa media launch din ng PPP last year. This year, kasama na ulit si Christian sa team ng “Die Beautiful” via “The Panti Sisters.”
Magsisimula ang PPP sa Sept. 13 hanggang 19. Five finished films will complete PPP 3’s lineup of eight films na ia-announce sa June. May time pa ang ibang film outfits na interesadong magpasok ng entry, finished films or films in post-production, until May 31.
Going back to Ice, kinumusta namin ang “baby project” nila ni Chair Liza. Naka-ready na raw ang dalawang eggs niya para sa mahahanap na ka-match nito. Dalawa lang ang okey sa tatlong eggs na nakuha kay Ice.
Ayon pa kay Ice, sa December daw nakaplano ang pagbubuntis ni Liza sa kanilang baby.