Kalat na: Jolo nag-propose na sa dyowang beauty queen

JOLO REVILLA AT ANGELICA ALITA

ENGAGED na raw si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang girlfriend na si Angelica Alita.
Yan ang usap-usapan sa social media ngayon matapos mabalitang nag-propose na ang actor-politician sa kanyang GF na itinanghal na first runner up sa 2016 Binibining Pilipinas.

Kumalat kasi ang litrato ni Angelica na may suot na diamond ring sa kanyang kanang kamay. Ito yung screenshot sa isang entry sa Instagram Story ng dalaga noong Sabado.

Sa nasabing video, nakahawak ang kanang kamay ni Angelica sa kanyang kanang pisngi, na parang proud na proud sa suot na singsing. Naka-tag pa sa post ang ilang kapamilya nina Jolo at Angelica na kasama nilang nag-Boracay nitong nagdaang Holy Week.

Sinundan pa ito ng halos magkasabay na pagpo-post ng sweet messages nina Jolo at Angelica para sa isa’t isa.

Sa IG photo ni Jolo kung saan magkasana sila ni Angelica sa isang yate at akmang hahalikan ang dalaga, ito ang kanyang caption, “Thanks for loving me for who I am.. Looking forward to more adventures in our wonderful journey together!”

Sa litrato namang ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram na kuha rin sa yate ito ang kanyang caption, “There’s nothing not to love about you. Thank you for making our world so wonderful, on to the next.”

 

Read more...