Kris hindi lalabanan si Sara Duterte sa Eleksyon 2022: Ayokong upakan niya ‘ko!

TIMI AQUINO AT KRIS AQUINO

HINDING-HINDI lalabanan ni Kris Aquino sa 2022 presidential elections si Davao City Mayor Sara Duterte. Yan ang sagot ng Social Media Queen nang humarap sa entertainment media kamakalawa ng hapon.

Natanong kasi si Kris kung may plano ba siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 at kung ready ba siyang makipagbanggaan sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling ito ang ipangsabong sa susunod na eleksyon.

“Ayoko ko pong upakan niya ko. Sorry ha, I’m being honest. I don’t see myself going against her kasi I find the narrative so wrong. Kasi maling-mali na kami yung pinag-aaway kasi walang ugat.

“Kung tinanong n’yo ako kung tatakbo ako kung Marcos ang tatakbo, bahala na si Batman, yes isusugal ang lahat kung yun ang kalaban. Pero kung Duterte ang tatakbo ibibigay ko na po sa kanila yun kasi wala kaming malalim na ugat, sugat. Hindi namin sila kaaway.

“Honestly, feeling ko lang talaga gusto kaming pag-awayin para nakakalimutan mo kung sino talaga ang matagal na ang away. But again in all fairness, nu’ng nagpagpag kami sa Shang BGC nakita ko doon si Governer Imee (Marcos). And this was before the official campaign started and I was able to say hello to her.

“And I said, ‘hi Gov, good luck.’ Kasi sa akin yun ang tinuro ng Dad ko eh. Na whenever you see anybody whether it’s a political opponent or not, be the first to say hello because by being the first to say hello. Because by being the first to say hello pinakita mo wala kang aatrasan.

“Pero yung sinasabi ko nga klaruhin ko yun ah. It boggles the mind na ginagawan kami ng issue with the Dutertes kasi wala namang dahilan eh. Hindi naman siya ever doon sa six years na naging presidente si Noy, wala namang naging issue,” lahad pa ni Kris sa ibinigay niyang presscon para kay Bam Aquino kasama ang asawa ng senador na si Timi Aquino.

Samantala, bilib na bilib si Kris kay Timi Aquino, asawa ng tumatakbong senador na si Bam na pinsang buo ni TV host-actress. Saludo si Kris sa ginawang pagsasakripisyo ni Timi para suportahan at tulungan ang kandidatura ng asawa.

“This is a woman who was on a career path to make her a president at least of one of the biggest fastfood companies in the Philippines, papunta na doon e. And prior to that she helped the biggest hair care brand na pinakamalaki sa Pilipinas. And sa lahat naman ng babae, the choice is always career or family, and she chose family.

“And I said, could I ever loved a man enough to choose him over my career. And I said, obvious ba hindi, kaya nga wala akong asawa. Pero siya nagawa niya. Kailangan lang mai-communicate iyon na there is something in Bam that maybe all of us women are missing. Because I have to see Bam through Timi’s eyes.

“Because that is what will convince me. Kasi para iwanan ni Timi yung trabaho niya na siya ang nagsumikap. Siyempre ikaw, what gives us relevance, importance, affirmation, but she left it in the name of love,” sabi ni Kris.

“This day is for Timi, this day is for Bam. I wanted to do this because one, as Timi said we’re all in this together. Two, at the end of the day bitbit ni Bam ang apelyido namin. So, kailangan tumayo ka para sa kapamilya o kadugo mo. Hindi dahil kapamilya o kadugo mo siya, pero dahil mayroon siyang mga katangian na dapat mo talagang ipagtanggol,” ani Kris.

Ipinaliwanag naman ni Kris kung bakit si Timi lang ang kasama niya sa presscon at wala si Sen. Bam, “I can’t say the word vote. I’m obeying (endorsement) contracts that say bawal. As you can see, lawyers check for me kung ano yung pwede kong gawin. So, this is the closest I could come.

“As you can see, si Timi ang katabi ko, hindi yung kandidato. Ayokong isoli yung pera nila (endorsements). Sorry, dahil sayang naman dahil nabayaran na namin yung tax para doon. So, ginawan namin ng paraan to the best of my ability,” sey pa ni Kris.

Read more...